Intro…🎶

'Di mangangamba sa kawalan

Pagpapala mo'y laging laan

'Di matatakot sa panganib

'Pagkat naririyan ka palagi,


'Di matitinag sa pagsubok

Ang pagsama mo'y tiyak at lubos

'Di mapipigil sa pag-awit

'Pagkat ikaw ay mabuti //


Ikaw ang aking pastol hindi magkukulang

Sapat na at higit pa (sapat na)

Biyaya mo'y sagana at umaapaw

Sapat na at higit pa (sapat na),


Sapat na sa lahat kong pangangailangan

Higit pa sa lahat kong inaasahan

Wala na ngang mahihiling pa

'Pagkat ika'y sapat na

Ika'y sapat na at higit pa,


Oh oh…


'Di mangangamba sa kawalan

Pagpapala mo'y laging laan

'Di matatakot sa panganib

'Pagkat naririyan ka palagi,


'Di matitinag sa pagsubok

Ang pagsama mo'y tiyak at lubos

'Di mapipigil sa pag-awit

'Pagkat ikaw ay mabuti

O napakabuti oh! 


Ikaw ang aking pastol hindi magkukulang

Sapat na at higit pa (ang biyaya mo)

Biyaya mo'y sagana at umaapaw

Sapat na at higit pa,


Sapat na sa lahat kong pangangailangan

Higit pa sa lahat kong inaasahan

Wala na ngang mahihiling pa

'Pagkat ika'y sapat na

Ika'y sapat na at higit pa,


Sa ano mang panganib

Sa oras man ng pagsubok

Matatagpuan mo kaming umaawit

Matatagpuan mo kaming nagpupuri sa 'yo

Sapagkat ikaw Hesus

Ay sapat na at higit pa sa aming buhay,


Ikaw ang aking pastol hindi magkukulang

Sapat na at higit pa

Biyaya mo'y sagana at umaapaw

Sapat na at higit pa,


Sapat na sa lahat kong pangangailangan

Higit pa sa lahat kong inaasahan

Wala na ngang mahihiling pa

'Pagkat ika'y sapat na

Ika'y sapat na,


Ikaw ang aking pastol hindi magkukulang

Sapat na at higit pa (ang biyaya mo oh Diyos)

Biyaya mo'y sagana at umaapaw

Sapat na at higit pa,


Sapat na sa lahat kong pangangailangan

Higit pa sa lahat kong inaasahan

Wala na ngang mahihiling pa

'Pagkat ika'y sapat na

Ika'y sapat na,


Wala na ngang mahihiling pa

'Pagkat ika'y sapat na

Ika'y sapat na

Wala na ngang mahihiling pa

'Pagkat ika'y sapat na

Ika'y sapat na at higit pa (ika'y tapat)

Oh!


Salamat po Panginoon woh

Maaari ko po ba makita ang mga kamay

Ng mga taong nagtagumpay na sa Panginoon

Mag-a-agree po ako na ang pagpupuri sa Panginoon

Ay marapat kapag tayo po'y nagtagumpay sa pagsubok

Ngunit ako po ay naniniwala din

Na hindi natin kailangan tapusin ang pagsubok

At ang unos bago natin siya papurihan

Kahit nasa gitna pa lamang tayo ng pagsubok

Sasabihin na natin mabuti ang Panginoon

Tapat ang Panginoon hindi ako magagapi

At sasabihin ko na Panginoon na

Ako ay tatakbo ngunit hindi mahahapo

Bibigyan niya ako ng panibagong sigla

Dahil ako ay umaasa sa kanyang biyaya

Whoo kahit nasa gitna tayo ng pagsubok

Tayo ay sasayaw na sa Panginoon

At tayo'y magpupuri para sa kanya amen po ba.


End…🎶