Star Ng Pasko


Intro…🎶

Kung kailan pinakamadilim

Ang mga tala ay mas nagniningning

Gaano man kakapal ang ulap

Sa likod nito ay may liwanag,


Ang liwanag na ito'y nasa 'ting lahat

May sinag ang bawat pusong bukas

Sa init ng mga yakap

Maghihilom ang lahat ng sugat


Ang nagsindi nitong ilaw

Walang iba kundi Ikaw

Salamat sa liwanag mo

Muling magkakakulay ang Pasko

Salamat sa liwanag Mo

Muling magkakakulay ang Pasko, oh, oh


Tayo ang ilaw sa madilim na daan

Pagkakapit-bisig, ngayon ay higpitan

Dumaan man sa malakas na alon

Lahat tayo'y makakaahon,


Ang liwanag na ito'y nasa 'ting lahat

May sinag ang bawat pusong bukas

Sa init ng mga yakap

Maghihilom ang lahat ng sugat,


Ang nagsindi nitong ilaw (ang nagsindi nitong ilaw)

Walang iba kundi Ikaw (walang iba kundi Ikaw)

Salamat sa liwanag Mo (salamat sa liwanag Mo)

Muling magkakakulay ang Pasko,

Salamat sa liwanag Mo (salamat sa liwanag Mo)

Muling magkakakulay ang Pasko,


Kikislap ang pag-asa

Kahit kanino man

Dahil Ikaw, Bro, (dahil Ikaw, Bro)

Dahil Ikaw, Bro, (dahil Ikaw)

Dahil Ikaw, Bro, (dahil Ikaw)

Ikaw ang star ng Pasko

Ikaw ang star ng Pasko, whoa!


Ang nagsindi nitong ilaw (ang nagsindi nitong ilaw)

Walang iba kundi Ikaw (walang iba, walang iba, dahil Ikaw)

Salamat sa liwanag Mo (salamat sa liwanag Mo)

Muling magkakakulay ang Pasko (muling magkakakulay ang Pasko),


Ang nagsindi nitong ilaw

Walang iba kundi Ikaw (kundi Ikaw)

Salamat sa liwanag Mo (walang iba kundi Ikaw, walang iba kundi Ikaw)

Muling magkakakulay ang Pasko


Salamat sa liwanag Mo (salamat sa liwanag Mo)

Muling magkakakulay ang Pasko ////


End…🎶





Post a Comment

0 Comments